Puhon
Sa kabila ng ngiti, Sa mga hagalpak na aking naririnig, Sa mga biro na iyong binabato at Sa mga saya na iyong pinapakita. Sa likod ng mga iyon, Sa apat na sulok ng silid, May istoryang walang nakakaalam, Mga luhang sikretong lumalabas Na tanging unan lang ang saksi, Mga mensaheng gustong iparating Ngunit walang nakakapansin. Sabi nila, ang salitang " ayos lang " ay isa sa mga maskarang ating sinusuot. Salitang ang daling sabihin Subalit may sakit na kinukubli. Napansin kita sa karamihan, Tumigil ako at pinakinggan, Sa mga hinaing na pinagpaliban, Sa mga sumbong na ipinagwalang bahala. "Estranghero ako" yan ang iyong sambit. "Bakit walang takot?" Nagtatakang tanong sa paglapit. Ika'y nahihiwagaan sa mga tulong na hindi mo inakala. Hindi kita kilala, Hindi ko rin alam ang buong storya Sa mga sugat ng iyong nakaraan, Gayunpaman, kusang titigil ...